Saturday , December 21 2024
UFCC

Sa problema ng airline passengers 
UFCC UMAPELA KAY REP. RODRIGUEZ, PAGTINGIN PALAWAKIN

HINIMOK ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) si Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez na palalimin ang malasakit at isama sa kanyang imbestigasyon ang iba pang airline companies na inirereklamo rin sa umano’y mga palpak na serbisyo, imbes naka-sentro lang sa Cebu Pacific.

Umapela si Rodolfo Javellana Jr., presidente ng UFCC kay Rodriguez  na palawakin ang kaniyang pananaw sa mga isyung nakaa him apekto sa industriya ng aviation at huwag lamang ituon ang sisi sa Cebu Pacific, lalo sa usapin ng delays at kanselasyon ng flights.

Sa isang bukas na liham na inalathala ng UFCC sa social media, sinabi nilang labis silang nagpapasalamat sa adbokasiya tungo sa ikagaganda ng serbisyo ng Cebu Pacific upang itaguyod ang kapakanan at karapatan ng kanilang mga pasahero at parokyano. Ngunit mas makabubutj kung titingnan din ng kongresista ang kakulangan ng iba pang airlines lalo pa nga’t hindi lamang mga pasahero ng Cebu Pacific ang nakakaranas ng flight delays at cancellations, kundi pati rin sa ibang airline companies.

Hinimok ng UFCC si Rodriguez na imbestigahan ang reklamo ng mga pasahero ng Air Asia, ang ilan ay halos tatlong taon nang dumaraing, sa hindi mabayad-bayarang refund ng kanilang tiket kapalit ng nakanselang flights.

Nababahala umano ang UFCC sa ginagawang paglabag ng Air Asia sa karapatan ng mga pasahero nila, na kinakailangan pang mag-ingay sa social media para lamang makarating sa publiko ang kabiguan nitong tuparin ang obligasyong i-refund ang perang ibinayad ng pasahero sa nakanselang flights.

Ayon sa UFCC, malinaw na hindi makatarungang magbingi-bingihan ang Air Asia sa pagmamakaawa ng mga pasahero para mai-refund ang tiket na hindi naman nagamit lalo pa nga’t karamihan sa mga humihingi ng refund ay mga ordinaryong pasahero na dumanas ng dagok sa kabuhayan dulot ng nagdaang pandemya.

Nakikiusap ang UFCC kay Rodriguez na maging”objective at logical” sa kaniyang pananaw sa isyung bumabalot sa hindi magandang serbisyo ng buong aviation industry.

Nakikiayon naman ang UFCC kay OFW Party-List Congresswoman Marissa Magsino na naghain ng resolusyon sa Kamara upang mahanapan ng solusyon ang buong problema ng industriya.

Matatandaang sinabi ni Cong. Magsino na siksikan sa airport at kakulangan sa pasilidad ang dahilan ng delays at flight cancellations at hindi lamang kapabayaan ng airline companies, kung kaya nanawagan siyang mas pagandahin pa ang mga pasilidad sa mga airports upang maiwasan ang mga problemang ito.

Bukod dito, sinabi din ni United Filipino Global (UFG) president, Gemma Sotto, na walang tulak-kabigin ang mga OFW pagdating sa isyu ng cancelled flights at delayed flights sapagkat lahat ng airline companies saan mang panig ka ng mundo ay “guilty” dito.

Dagdag ng UFCC, hindi rin tama ang kumakalat na persepsiyon na kasalanan ng airline company ang mga reklamo sa nasisirang bagahe ng mga pasahero sapagkat ang baggage handling ay responsibilidad ng airport management at hindi lang ng airline operators.

Sa ngayon anila na dumaranas ang buong industriya ng aviation sa “revenge travel” o iyong pagdagsa ng libo-libong pasahero para makapaglakbay matapos ang may tatlong taong travel ban, mas mainam na tutukan ng pamahalaan ang paghahanao ng komprehensibong solusyon sa mga problemang kinakaharap ng buong airline at aviation industry na lubhang nakaaapekto sa serbisyo para sa mga pasahero.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …