Monday , December 23 2024
Sim Cards

Base sa mga nakompiska
SMART SIM CARDS PINAKAMARAMI SA PASAY POGO HUB RAIDS

PINANINIWALAAN ng mga awtoridad na mas paboritong gamitin sa online scam ang SIM card ng Smart telecom kung pagbabasehan ang mga nakompiskang digital items sa raid sa isang POGO hub sa Pasay City kamakailan.

Kinompirma ni Presidential Anti-Organized  Crime Commission head Usec. Gilbert Cruz, sa mahigit 20,000 pre-registered SIM cards, umaabot sa 15,683 ang Smart telecom.

Ang natitirang bilang ay pinaghati-hatian ng parehong local at international internet service providers, kabilang ang Globe telecom.

Ang POGO hub raid sa Pasay ay kabilang sa serye ng pagkilos ng awtoridad laban sa mga online scam, partikular sa mga lugar na nagkakanlong sa offshore gaming, o ang sugal na ang mga mananaya ay nasa labas ng bansa.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na maraming ilegal at online crimes na nangyayari sa ilang POGO hub sa Kalakhang Maynila, tulad ng kidnapping, money laundering, at blackmail.

Ang mga nasabing cybercrimes ay nagaganap sa pamamagitan ng internet kaya masinsinang minamatyagan ng mga awtoridad ang galaw ng digital industry.

Ayon sa PAOCC, maaaring magtukoy

ang mga nakompiskang sim cards ng mga ilegal na gawain at pagkakakilanlan ng cyber criminals kaya maingat umano nilang binubusisi ang mga detalye sa loob ng Subscribers Identity Modules.

Sa kaugnay na balita, uumpisahan bukas (Martes), 5 Setyembre 5, bandang 10:30 am ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa sinabing patuloy na pamamayagpag ng online scammers sa kabila ng ipinatupad na sim card registration.

Ang Senate inquiry ay gagawin ng committee on public services kasama ang committee on trade, commerce and entrepreneurship sa pangunguna ni Sen. Grace Poe.

Bubusisiin ng mga senador kung bakit sa kabila ng ipinatupad na sim card registration ay marami pa rin ang naiuulat na nangyayaring text scams at nagagamit ang Subscriber Identity Module o SIM sa ilegal na POGO operations.

Ipinatawag sa pagdinig ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission, Department of Information and Communications Technology, law enforcers at telco executives.

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …