Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PCSO Barangay Bukal Pagbilao

Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon, Pinagpasalamat ang Natanggap na mga Medical Devices mula sa PCSO

Mandaluyong City. Personal na ibinahagi nina PCSO General Manager Melquiades A. Robles at ng kanyang Executive Assistant na si Arnold J. Arriola ang 25 wheelchairs, 25 crutches, 25 canes at ibat ibang kagamitang pang medical tulad ng pulse oximeter (25 pcs) glucometer (25pcs) at BP apparatus (25 pcs) kay Punong Barangay Privado Carlos kasama ang mga kagawad ng Sanggunian ng Brgy. Bukal, Pagbilao, Quezon sa isang programang naganap sa 4th Floor, Executive Lounge ng Office of the General Manager, Sun Plaza Building, Mandaluyong City noong August 23, 2023.

Ang mga ipinamahagi ni GM Robles ay mula sa Corporate Social Responsibility Program ng ahensya kung saan ito ay sumasaklaw sa pagbibigay ng mga agarang pangangailangan sa mga indibidwal at institusyon ng lokal na pamahalaan.

Sa isang mensahe mula kay Kapitan Carlos, pinuri niya ang PCSO sa agarang tulong na ipinagkaloob ng PCSO sa kanilang munting barangay, “Ikinararangal namin na makilala ng personal si GM Robles at mapaunlakan ang aming kahilingan…Mula po sa Barangay Bukal at sa aming lokal na pamahalaan na nasasakupan ng Pagbilao, Quezon, labis po ang paghanga naming sa inyong ahensya. Noong una po ay akala naming ay medical assistance lamang ang pinapamigay ng PCSO kayat laking tuwa naming na mapagbigyan ang aming kahilingang mga mobility aids at medical devices. Napakalaking tulong po nito sa aming mga kababayan lalo na sa mga senior citizens. Pagpalain po kayo ng Diyos at sana marami pa kayong matulungan. Nagpapasalamat din po kami kay Ginoong Arnold J. Arriola na nagsilbing anghel at daan para masakatuparan ang aming request kay GM Robles at sa PCSO.”

Samantala, patuloy ang pagtulong ng PCSO sa mga kababayan natin sa buong kapuluan ngayong buwan ng Agosto sa ilalim ng Corporate Social Responsibility program na nagsisilbing quick response assistance ng Ahensya katuwang ang iba’t ibang charitable programs.

“PCSO, Hindi Umuurong Sa Pagtulong!

Nina: Justin B. Santos/Aaron Erwin E. Austria

Larawan ni: Edwin B. Lovino

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …