Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Leeg ng bata nilaslas, 17-anyos SPED student inaresto

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 17-anyos estudyante ng Special Education dahil sa paglaslas sa leeg ng isang 9-anyos kapwa SPED pupil sa lungsod ng Lucban, lalawigan ng Quezon, nitong Sabado, 26 Agosto.

Ayon kay P/Maj. Marnie Abellanida, hepe ng Lucban MPS, inaresto ang suspek ilang oras matapos ang insidente at inilipat sa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa naaangkop na disposiyon.

Lumabas sa imbestigasyon, nasa loob ng isang palikuran ang biktima sa Lucban public market sa Brgy. 4, sa nabanggit na lungsod dakong 3:30 pm kamakalawa nang biglang lapitan ng suspek saka nilaslas ang leeg gamit ang isang kutsilyo.

Unang dinala ang biktima ng kanyang ina sa pagamutan sa lungsod ngunit inilipat kalaunan sa Quezon Medical Center sa lungsod ng Lucena dahil sa kanyang kondisyon. ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …