INNOVATIVE education program ng Taguig City ang isa sa pakikinabangan nang husto ng mga estudyante ng EMBO barangays na ngayon ay parte na rin ng lungsod.
Ayon kay JV Arcena, Assistant Secretary for special concerns and international press secretariat sa ilalim ng Office of the Press Secretary, at dating Assistant Secretary for Global Media and Public Affairs sa ilalim ng Duterte Administration, kompara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa top 10% ng kanilang estudyante, sa Taguig City ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante, ano man ang kanilang academic achievements.
Sa kanyang column na Unorthodox, itinuring ni Arcena na “Game Changer” ang alok na scholarship ng Taguig.
“Taguig’s program is far more inclusive. This visionary approach has the potential to be a game-changer, particularly for former Makati residents who now call Taguig home. Taguig City’s scholarship program is a welcome departure from the traditional model that rewards only the academic elite. By extending scholarships to all students, Taguig ensures that no one is left behind and talent is given the opportunity to flourish,” pahayag ni Arcena.
Ang tinutukoy ni Arcena na programa ng Taguig ay ang alok na “flexible” scholarship na nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng financial assistance sa mga estudyante mula sa halagang P15,000 hanggang P110,000 kada taon depende sa nais na scholarship ng estudyante.
“Former Makati residents who now find themselves residing in Taguig are poised to benefit significantly from this progressive scholarship program. It is not just about providing financial aid; it is about unlocking the hidden potential within every student. By removing the barriers that hinder the progress of less academically accomplished students, the program fosters an environment where creativity, leadership, and other essential skills can flourish. Taguig’s holistic approach to education recognizes that success is not solely measured by academic achievements but also by the ability to adapt, think critically, and contribute meaningfully to society,” paliwanag ni Arcena.
Isa sa nakinabang sa scholarship ng Taguig ay ang De La Salle University student na si Briann Sophia Reyes.
Sa kanyang Facebook post pinakampante ni Reyes ang mga magulang mula sa 14 EMBO schools na may agam-agam para sa edukasyon ng kanilang mga anak kasunpd ng paglipat sa Taguig. Aniya, maraming balisa kung ano na ang kasunod sa paglipat sa Taguig ngunit siya mismo ang makapagpapatotoo sa mga natanggap niyang benepisyo sa kanyang pag aaral.
Sinabi ni Reyes, walang perpektong Local government units (LGUs) ngunit walang dapat na ikabalisa sa paglipat sa Taguig City, aniya, bukod sa libreng uniform at school supplies ay nakatatangap siya ng cash incentive at allowance habang nag-aaral noon sa Cayetano Science High School at ngayong nag-aaral na siya sa DLSU ay patuloy pa rin syang nakatatanggap ng scholarship allowance mula sa Taguig LGU.
Inilinaw niyang ang scholarship ng Taguig ay hindi lamang para sa mga nasa top rank sa klase kundi para sa lahat at walang pinipili. Ani Reyes, sa ngayon ay ang mga kapatid naman niya ang nakikinabang sa full scholarship.
“I received school supplies and free uniform all throughout my junior high and senior high. Ang iniisip lang nina papa sa akin noon ay allowance ko. Additional benefit na siguro is ‘yung allowance na nare-receive ko when I was studying at Cayetano Science HS, and the cash incentives I received when I graduated as part of the overall batch’s rank 10. Besides, I guess hindi ko naman matutuloy sa DLSU if without the scholarship allowance na nare-receive ko from LGU (75% Scholar lang po ako sa DLSU and ‘yung 25% na remaining balance ko is from my scholarship allowance). I know baka sabihin ng iba na, “baka kaya nakakuha ka ng scholarship kasi part ka ng Top 10 noon.” Actually, wala po silang pinipili. With honors ka man o hindi, as long as gusto mo mag-aral and magpapasa ka ng complete requirements, then magiging Taguig scholar ka,” kuwento ni Reyes.
Ang post ni Reyes ay sa harap na rin ng mga lumalabas na fake news at black propaganda mula sa kampo ni Makati City Mayor Abby Binay na minamaliit ang kakayahan ng Taguig City na hindi kakayahing pantayan ang benepisyong ibinibigay ng Makati LGU sa 30,000 EMBO students.
Binuweltahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang mga fake news ni Binay sa pagsasabing: “Sana hinay- hinay sa pag-question at pagmamaliit sa kakayahan ng ibang lokal na pamahalaan. Tayo ay mag-encourage sa isa’t isa, ‘wag tayong magbibitiw ng salita na makasasakit at magko-cause ng panic sa ating kapwa.”
Sa Taguig City, hindi lamang libreng school supplies, uniforms, at sapatos ang inilalaan sa mga estudyante kundi maging scholarships para sa lahat kasama rito ang mga kumukuha ng vocational, 2-year o 4- year courses; kumukuha ng master’s at doctorate degrees at maging mga nagrerebyu sa board at bar exams.
Samantala, nagsimula nang mamahagi si Mayor Lani ng school supplies para sa EMBO residents na tatawagin nang Taguigeño, sinimulan ng alkalde ang pamamahagi sa Pitogo High School at iikutan nito ang 13 pang paaralan.
Bukod sa scholarship program, tatak din ng Taguig ang door to door delivery ng kanilang serbisyo.
Ang Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs) ay nakatatanggap ng door to door birthday cash gifts; ang mga may asthma, hypertension, at diabetes ay mayroong house delivery ng kanilang maintenance medicines; at ang mga bedridden na residente ay personal na binibisita ng health personnel para kanilang home care. (HNT)