Tuesday , April 29 2025
PAGCOR POGOs

Sa pagsasara ng POGO sa bansa
KITA NG GOV’T PUPUNAN NG PAGCOR’s CASINO PRIVATIZATION PLAN

INIHAYAG ni Senator Win Gatchalian na ang malilikom mula sa plano ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na isapribado ang malaking bilang ng mga casino ay maaaring punan ang mga mawawalang kita sakaling ipasara ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Inianunsiyo kamakailan ng PAGCOR ang planong pagsasapribado ng 45 casino na nasa ilalim ng kanilang pangangasia simula sa 2025 na inaasahang magbibigay sa gobyerno ng karagdagang P60 bilyon hanggang P80 bilyong kita.

“Ang planong pagsasapribado ng mga casino ng PAGCOR ay magpapataas sa kita ng gobyerno nang hindi na kinakailangang magdagdag pa ng ipapataw na buwis, habang nasa gitna ng paghihigpit ng sinturon ng pamahalaan,” sabi ni Gatchalian, chairperson ng Senate committee on ways and means.

Bukod diyan, ang pagsasapribado ng operasyon ng mga casino ng PAGCOR ay may layon na ihiwalay ang regulatory function ng ahensiya sa commercial operation nito.

Sa mga nakaraang pagdinig, sinabi ni Gatchalian, ito ang nais niyang mangyari. Binigyang-diin na ang naturang hakbang ay magbibigay daan upang magampanan nang epektibo ng PAGCOR ang tungkulin bilang isang regulatory body nang walang conflict of interest.

Duda si Gatchalian na dahil kumikita ang PAGCOR sa mga POGO ay maaaring nababawasan ang kanilang motibasyon na magsagawa ng masusing pagbabantay sa mga operasyon nito.

“Hangga’t hindi binibitawan ng PAGCOR ang kanilang commercial operation, nananatiling kompetisyon pa rin ito ng ibang mga operator ng casino sa bansa,” aniya.

Kaugnay ng balitang bigong makakolekta ang PAGCOR ng P2.3 bilyong halaga ng kita mula sa mga POGO mula noong Disyembre 2021, lumalabas na hindi ito epektibo sa pagsasagawa ng tungkulin.

Pati sariling patakaran ng PAGCOR ay hindi nito ipinapatupad, ani Gatchalian.

Halimbawa, lomobo ang accounts receivable na natatanggap ng PAGCOR mula sa mga POGO dahil sa kabiguan na ipatupad ang Offshore Gaming Regulatory Manual (OGRM) na nangangasiwa ng offshore gaming operation ng mga licensee at service providers ng POGO.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …