Monday , December 23 2024

Panawagan ng teachers at parents group  
TURNOVER NG EMBO SCHOOLS SA TAGUIG GAWIN NGAYON NA

082223 Hataw Frontpage

PARA sa interes ng mga estudyante, nagkaisa at nanawagan ang mga guro at magulang na magkaroon ng agaran at maayos na turnover ng mga public at private schools ng Makati City patungo sa Taguig bilang pagsunod sa kautusan ng Korte Suprema.

Sa ipinalabas na statement ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC), grupo ng mga guro mula sa mga public at private schools sa Filipinas, sinabi nitong kinikilala nila ang final ruling ng SC.

“We call for smooth transition to end the Taguig- Makati dispute. The welfare of the students should be given paramount importance,” pahayag ni TDC President Benjo Basas.

Gayondin ang pahayag ni Fort Bonifacio High School Faculty Club President Noel Meneses, aniya, umaasa siyang mababalik agad sa normal ang school operation.

Dapat din umanong naiimpormahan ang mga guro sa sitwasyon ng turnover lalo at sila ang humaharap sa mga estudyante at mga magulang at nagbibigay sa kanila ng impormasyon.

Nasa 1,500 ang guro mula sa 14 EMBO public schools na ililipat sa Taguig habang nasa 30,000 naman ang mga estudyante.

Samantala, sa panig ng mga magulang, sinabi ni Parents Teachers Association (PTA) Federation President Willy Rodriguez, payag ang mga magulang na mailipat na ang kanilang mga anak sa pangagasiwa ng Taguig LGU.

Sinabi ni Rodriguez, mainam na gawin na muna ang proper turnover upang hindi na magkaroon ng kalitohan o anomang tensiyon.

Giit ni Rodriguez, mainam na pagkatapos ng transfer ay saka na pag-usapan ang iba pang isyu gaya ng pamigay ng Makati o Taguig gaya ng mga school kits, uniform at iba pa.

“Saka na ‘yung mga pamigay na benepisyo, magtulungan na lang muna para sa ikaaayos ng mag-aaral” ani Rodriguez.

Aniya, ala na rin naman magagawa ang lokal na pamahalaan ng Makati dahil nagsalita na ang Korte Suprema.

“Wala nang magagawa dahil batas na ‘yan, nasentensiyahan na ang isyu na ‘yan at mayroon na rin direktiba ang Department of Education (DepEd) na isalin na ang pangangasiwa sa Taguig City,” pagtatapos ni Rodriguez.

Samantala, una nang sinabi ng school principals ng 14 EMBO schools na wala silang inaasahang problema sa pagbubukas ng klase sa 29 Agosto.

Sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Makati at Taguig ay nanatiling  mahinahon ang mga magulang, guro, at  mga estudyante sa isyu bilang paggalang sa kautusan ng kataastaasang hukuman. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …