INILUNSAD na sa Ortigas Ave., sa Pasig City ang Quantum Golf na abot kaya ng gustong maglaro ng golf.
Ayon kay Ian Umali, ang naturang Qunatum golf ay hindi katulad ng isang golf course na ordinaryong pinaglalaruan ng mga golfer kundi ito ay nasa loob ng isang gusali.
Aniya, bukod sa makapaglalaro ka ng golf ay mayroon din mga food chain at bar na maaring magkaroon ng dagdag na libangan.
Tinukoy ni Umali, kaya sila lumikha ng mini golf at virtual golf ay upang hindi kailangang maging magaling o mayaman para makapaglaro nito kundi ito ay para sa lahat anuman ang estado sa buhay.
Paliwanag ni Umali, ang pagkakaiba ng virtual golf at actual driving range ay nakukuha natin ang data point na nangangahulugan na nakukuha ang club speed, ball speed, at ang angle.
Ipinunto ni Umali, tulad sa Amerika, ito ay isang uri ng teknolohiya na ginagawang training grounds para sa isang mahusay o magaling na manlalaro ng golf.
Sinabi ni Umali, ang top 15 na magagaling na golfer ay gumagamit ng teknolohiya bakit hindi gamitin o gawin sa ating bansa.
Aminado si Umali, ang naturang programa ay bunga ng kaisipan nilang magkakaibigan at kanilang sinumulang buksan noong nakaraang taon pa ngunit ngayon lamang nila pormal na i-pakikilala sa publiko.
Umaasa si Umali na ito ay tatangkilikin ng mga mamamayang Filipino lalo na’t sa kanilang pormal na pagbubukas ay libong tao na ang tumugon sa kanilang proyekto.
Nagulat din si Umali na tulad ng isang bagong bukas na negosyo hindi niya inakala na sa loob ng dalawa o tatlong buwan pa lamang ay grabe na agad ang pagpatok ng Quantum golf na inakala nilang unti-unting babawi matapos ang anim na buwan.