Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos

Rhian umaani ng papuri sa Royal Blood

RATED R
ni Rommel Gonzales

THANKFUL at masaya si Rhian Ramos sa lahat ng papuring natatanggap ngayon sa Royal Blood.

Patuloy na umaani ng papuri ang aktres dahil sa mahusay nitong pagganap bilang Margaret, ang religious at conservative na anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III).

Ilan sa papuring natatanggap ni Rhian mula sa manonood ng hit murder mystery series: ‘Deserve for Best Actress,’ ‘Napakahusay,’ at ‘Halimaw sa aktingan!’

Of course, I’m very happy and I’m very flattered. Well, totoo naman po na I try to work hard and do my homework and know my lines and know the feelings pero sa totoo lang sinuwerte lang ako na ganito ‘yung set namin–it’s very welcoming, lahat kami were really trying to do our best, and I think kita naman din na it’s not just me, everyone is really leveling up for their roles,” sabi ni Rhian sa GMANetwork.com.

Dagdag ng aktres, “Sinuwerte ako sa magagaling na scene partners, sa mga director naming napakaklaro mag-explain kung ano ‘yung gusto nilang makita. And sa bawat tao rin po sa set na they really make us feel safe. Hindi mo mapi-feel ay nakahihiya ‘yung gagawin ko or ayokong puntahan ‘yung ganoon ka-wild kasi mukha akong ewan, ‘di mo mapi-feel ‘yun. Everyone is super teamwork.”

Natutuwa rin si Rhian sa mga natatanggap na komento na “deserve” niyang magkaroon ng best actress award para sa performance sa Royal Blood.

Sana po magkatotoo. Of course, sino ba naman may ayaw? Pero whether or not naman mangyari ‘yun, I’m already very happy with the response on social media. Pati ‘yung mga lumalapit lang sa akin when I go out… lumalapit sa akin sa mall na nakaka-connect sila, napi-feel nila ‘yung mga nararamdaman ni Margaret, masayang-masaya na ako roon just making that connection,” masayang sabi ng aktres.

Patuloy na subaybayan si Rhian bilang Margaret sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …