Monday , April 28 2025
Robin Padilla

 ‘Tradisyon’ sa bicameral meeting binangga  
HIJAB DAY BILL NG KAMARA IGINIIT NI PADILLA

MAHALAGANG bigyan ng atensiyon ang patuloy na diskriminasyon laban sa kababaihang Muslim, sa pamamagitan ng pagpasa ng batas para sa National Hijab Day.

Ito ang prinsipyong iginiit ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nang iminungkahi niya sa bicameral conference committee ang naturang panukalang batas para i-adopt ang bersiyon ng Kamara — kahit na ‘tradisyon’ ng mga senador na suportahan ang posisyon ng Senado.

“Siyempre ang ating minimithi ay ang Hijab Day na ‘yun lang mabigyan ng pansin. Sabi nga ni Rep. Mujiv Hataman, ito ay isang crusade — krusada ito na inilalarawan ang paghingi ng atensiyon sa buong bansa na bigyang pansin ang diskriminasyon laban sa ating mga kababayan,” ani Padilla, namuno sa bicameral conference committee meeting.

Humingi ng paumanhin at pag-unawa sa kapwa senador si Padilla, nang tanungin ni Senator Pia Cayetano kung seryoso siya sa kanyang mungkahi, sinabi niya, “Yes, Ma’m.”

Ang bersiyon ng Kamara (House Bill 5693) ay nananawagan ng National Hijab Day, habang ang bersiyon ng Senado (Senate Bill 1410) ay nagsusulong ng National Day para sa Hijab “and other Traditional Garments and Attire.”

Nagmungkahi si House contingent head Rep. Mohamad Khalid Dimaporo (Lanao del Norte) na suspendehin ang bicameral conference.

“I would like to appeal to the Chair and the Senate panel to give us time, for us to have diplomatic channels with our counterparts in the Senate so we can come up with a bill that satisfies everybody,” aniya.

Sa paghahain ng Senate Bill 1272 na isinama sa Senate Bill 1410, isinulong ni Padilla ang paggunita ng National Hijab Day sa 1 Pebrero ng bawat taon bilang pakikiisa sa mga kababaihang Muslim at pagpapahalaga sa pagsusuot ng hijab bilang simbolo ng kahinhinan.

Nais ni Padilla na tuldukan ang diskriminasyon laban sa kababaihang Muslim sa pamamagitan ng “awareness, education and empowerment.”

Dagdag niya, hangad ng panukalang batas na kontrahin ang “colonial mentality” na nagiging simbolo ng pang-aapi sa kababaihan ang hijab.

“Stereotypical representations lead to misconceptions and one-dimensional view that Muslim women are powerless and oppressed. Recent controversies in different parts of the world – from hijabis being denied entry on school grounds to Muslim women getting assaulted for wearing hijab – have been polarizing and detrimental to Muslim women. Domestically, Filipino Muslim women are no strangers to these challenges,” ani Padilla sa kanyang Senate Bill 1272.

Bukod kay Padilla at Dimaporo, kasama rin sa bicameral meeting sina Senador Pia Cayetano, Nancy Binay, at Ronald dela Rosa; at Reps Mujiv Hataman (Basilan), JC Abalos (4PS party list), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur 1st district), at Bai Dimple Mastura (Maguindanao del Norte). (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …