Friday , November 15 2024
DSWD

Job security ng PH child dev’t workers kapos sa ‘kalinga’

SINITA ni Senador Win Gatchalian ang kawalan ng kasiguruhan sa employment status ng mga child development workers (CDWs) sa bansa, kung saan 11% o 8,739 lamang sa 78,893 CDWs sa buong bansa ang may permanenteng posisyon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Kung gusto nating isulong ang professionalization at paigtingin ang early childhood care and development (ECCD) system, kailangang hikayatin natin ang ating mga guro at mga manggagawa sa pamamagitan ng katiyakan sa kanilang tenure,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Sa isang pagdinig sa Senado ukol sa pagpapatatag ng ECCD sa bansa, ibinahagi ni Gatchalian ang datos mula sa DSWD, na lumalabas na nasa ilalim ng contractual employment ang karamihan o 30% (23,835) sa CDWs, 22% (17,749) ang mga nasa casual position, at 20% naman (15,890) ang saklaw ng memorandum of agreement. Lumabas din sa datos ng DSWD na 9% (7,389) ang mga volunteer at job order naman ang 7% (5,561).

Sa ilalim ng Basic Education and Early Childhood Education Alignment Act (Senate Bill No. 2029) layong amyendahan ang Early Years Act of 2013 (Republic Act No. 10410), iminumungkahi ni Gatchalian ang mas malawak na responsibilidad para sa mga local government units (LGU) pagdating sa pagpapatupad ng mga programa ng ECCD. Kabilang dito ang paglikha ng plantilla position para sa mga Child Development Teachers (CDTs) at CDWs, gayondin ang pagsulong ng kanilang professional development.

“Dahil ibibigay sa local government units ang responsibilidad at pamamahala ng tenure ng mga child development workers, bibigyan natin sila ng kakayahang mamili kung sino ang itatalaga nila sa mga plantilla positions,” ani Gatchalian.

Iminumungkahi ng Basic Education and Early Childhood Education Alignment Act na magiging responsibilidad ng mga LGU ang pagbibigay ng sapat na pasilidad at mga resources para sa pagpapatupad ng ECCD programs. Layunin din ng panukalang batas na makamit ang universal coverage para sa national ECCD system sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bata, mga magulang, at mga parent-substitutes na saklaw ng mga LGU.

Layon ng panukalang batas ni Gatchalian na tiyaking tugma ang K to 12 basic education curriculum sa ECCD curriculum, bagay na imamandato sa ECCD Council. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …