Saturday , August 23 2025
Senators Ph

Zubiri mananatiling Senate President sa 2nd regular session ng 19th Congress 

BALIK-SESYON ang senado sa ilalim ng 19th Congress 2nd regular session at nanatiling pinangungunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Tanging si Senadora Pia Cayetano ang hindi nakadalo sa pagbubukas ng sesyon ng senado dahil kasalukuyang dumadalo sa FIFA Women’s World Cup na ginaganap sa New Zealand dahil siya ang pinuno ng delegasyon ng Philippine Women’s National Football Team.

Mga simpleng kasuotang Filipiniana at Barong Tagalog ang suot ng mga senador na dumalo sa pagbubukas ng sesyon.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng Diplomatic community sa pangunguna ng Papal Nuncio na nasa Filipinas, gayondin din sina dating Senate President Franklin  Drilon at Senador Francisco “Kit” Tatad.

Kasama ng mga senador ang kani-kanilang mga asawa, mga anak, kapatid, at magulang sa pagdalo sa sesyon.

Imbes ibida ni Zubiri ang kanyang mga ginawa at nagawa ng kanyang isang-taong adminitrasyon ay isa-isang pinuri ni Zubiri ang  bawat senador sa kanilang nagawa at mga ambag sa tungkulin bilang mga halal na mambabatas.

Tinukoy ni Zubiri, kailanman ay hindi tumigil ang senado sa paglilingkod sa taong bayan kahit sila ay nakabakasyon.

Aniya, kahit nakabakasyon ay nagpatuloy ang senado na magsagawa ng imbestigasyon sa mga mayroong kaugnayan sa katiwalian, dininig ang ilang mahahalagang panukalang batas at tumulong sa mga nangangailangang kababayan.

Tiniyak ni Zubiri, sa pagbabalik nila ng sesyon ay lalo pang pagbubutihan ng senado ang kanilang trabaho at titiyaking maipasa ang lahat ng mga panukalang batas na kanilang tinalakay sa LEDAC.

Aminado si Zubiri, bibigyang pansin din ng senado ang ilang mga panukalang batas na itinutulak ng mga senador.

Ngunit kung si Senador Robinhood “Robin” Padilla ang tatanungin, nais niyang muling talakayin ang panukalang charter change, ngunit ayon kay Zubiri hindi ito bahagi ng prayoridad ng senado sa ngayon.

Nagpasalamat ang senador sa ginawang talumpati ni Zubiri na kinilala ang kanilang mga ginawa at trabaho.

Sa pagdalo ng mga senador sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., nagpalit sila ng mga kasuutan mula sa pagbubukas ng sesyon ng senado.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug bust sa Bulacan: 3 big time tulak nalambat

ARESTADO ang tatlong bigtime drug peddlers na pinaniniwalaang sangkot sa bulk distribution ng shabu na …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …