Monday , December 23 2024
Philhealth Office of the President

Superbisyon ililipat sa Office of the President:
PHILHEALTH MEMBERS, EMPLOYEES ‘NGANGA’  

NAKABIBINGI ang katahimikan ng pinakamataas na pamunuan ng PhilHealth sa isyu ng paglilipat ng superbisyon nito sa Office of the President (OP).

Ito ang pahayag ng Philhealth-Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PHilHealth-WHITE) nang hindi makatanggap ng sagot mula sa Pangulo at CEO ng PhilHealth na si Emmanuel Ledesma, Jr., na humihiling ng konsultasyon patungkol sa nabanggit na isyu.

Ayon sa PhilHealth-WHITE, nagulat sila nang unang marinig sa media ang mungkahing ito, at sinabi ng pamunuan ng Philhealth na sila man ay nabigla.

Ngunit, ayon sa mga source sa labas ng ahensiya, ang PhilHealth ang ‘pasimuno at nagbenta’ ng ideyang mapasailalim ito sa OP.

Sa kabila nito, walang nabanggit kahit sinong opisyal ng PhilHealth sa kanilang mga pagpupulong ukol dito at hindi iprenisinta sa mga empleyado ang pag-aanalisa sa mga posibleng maging epekto nito.

Ipinagtataka ng mga empleyado ng PhilHealth, sa pagbibigay ng legal na opinyon ang Department of Justice (DOJ) ngunit walang konsultasyong naganap sa mga miyembro, mga manggagawa, mga sektor na pangunahing nag-aambag sa pondo, at mga empleyado.

Nagsagawa ang Unyon ng inisyatibong mangalap ng survey mula 24 Hunyo hanggang 4 Hulyo upang malaman ang mga sentimiyento ng mga empleyado.

Nilahukan ang survey ng 2,536 empleyado sa buong bansa na nagresulta sa panawagan ng 94% ng mga empleyado na magsagawa ng mas malalim na konsultasyon at information campaign.

Napahayag din ng pangamba sa nagbabadyang paglilipat ng superbisyon ang mga empleyado ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) sa mga caucus na isingawa sa pamamagitan ng Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFIs (KAMAGGFI).

Dahil dito, lubos na nananawagan ang PhilHealth-WHITE sa pamunuan ng ahensiya na kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga miyembro ng PhilHealth bago gumawa ng malalaking desisyon na lubos na makaaapekto sa kanila.

Naniniwala ang PhilHealth-WHITE na ang mga miyembro ang buhay ng programa dahil ang bilyong pisong pondo ay mula sa kanilang dugo, pawis, at luha kaya moral na obligasyon ng pamahalaan na sila ay tanungin at pakinggan.

Samantala, tanggap ni Health Secretary Ted Herbosa ang mungkahing paglilipat ng superbisyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng OP, dahil magiging mas ‘efficient’ umano ang pagmamaneho ng government health insurer.

“It’s a management thing. If you want to make something more efficient,” ani Herbosa.

“If they’re trying to think about this, I think the president wants to have better and more efficient health care financing. Kasi gusto niyang tutukan. ‘Di ba you put it under the president, mas madaling matutukan,” dagdag ni Herbosa.

Magugunitang noong 17 Mayo, sinabi ni dating DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nagbuo ang ahensiya ng technical working group (TWG) upang timbang-timbangin ang mungkahing paglilipat. Ang PhilHealth ay isang attached agency sa ilalim ng DOH.

Ani Herbosa, ang paglilipat ng isang attached agency sa ilalim ng ibang ahensiya gaya ng Office of the President ay hindi na bago sa gobyerno. Gayonman, inilinaw niyang ang mga pagbabago sa loob ng PhilHealth ay dapat iproseso sa Kongreso dahil kailangan amiyendahan o susugan ang batas na lumikha rito.

               Nauna nang nagpahayag ng malasakit si Sen. Risa Hontiveros kaugnay ng mungkahi, at sinabing hindi dapat iwanan ng DOH ang responsibilidad sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …