Thursday , April 10 2025
Imee Marcos Barbie

 ‘Barbie dress’ ni Imee inukay sa aparador ni ex-FL Imelda Marcos

IPINAGMALAKI ng ‘super ate’ ni  Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na si  Senadora Imee Marcos, hindi siya nag–gown kundi mas pinili niyang mag-Barbie dress.

Ayon sa Senadora, ang kanyang kasuutan ay hindi isang gown kundi isang damit na inukay niya sa mga lumang damit ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Kulay lila at rosas ang suot na damit ng nakatatandang Marcos at ang kanyang dalang maliit na bag at sapatos ay ganoon din.

Samantala, sinabi ni Marcos, nasa mabuting kalusugan ang kanyang ina ngunit hindi pinahihintulutan ng mga doktor na dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo dahil maraming tao ang naroroon.

Pero, aniya nasa kanyang ina pa rin ang pagdedesisyon sa huli lalo na’t kilala niyang may katigasan ng ulo ang dating Unang Ginang.

Kahapon, dumalo ang dating Unang Ginang sa SONA ng kanyang anak. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Arrest Shabu

Buy-bust ops sa Arayat, Pampanga
P6.8-M shabu nasabat, big time HVT tiklo

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Arayat MPS Station Drug Enforcement …