Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

2nd SONA ni Marcos Inisnab ni Digong

HINDI dumalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, kasalukuyang nasa Davao ang dating Pangulo at nagpapahinga.

Tinukoy ni Go na kababalik ng dating Pangulo mula sa kanyang biyahe sa China matapos makipagpulong kay China Prime Minister Xi Jinping.

Magugunitang ginulat ang lahat ng dating Pangulo nang biglang kumalat ang isang larawan na nakipagpulong siya sa pinuno ng China nang walang kaalam-alam ang Department of Foreign Affairs (DFA) at maging si Pangulong Marcos.

Umaasa si Go, sa kabila ng hindi pagdalo ng dating Pangulo sa SONA ay makikinig siya at magmo-monitor sa kanyang tahanan.

Tanging sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Joseph Estrada ang dumalo sa SONA ni Marcos. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …