COOL JOE!
ni Joe Barrameda
MALAKING challenge kay Julie Anne San Jose ang pelikulang The Cheating Game na pinagsamahan nila ni Rayver Cruz.
Medyo mas mature ang role nila rito at natutuwa siya na nabigyan ng ganitong project. Hindi pa nila napapanood ang kabuuan ng pelikulang ito pero nagampanan nila ito ng mayos ayon na rin sa producer, ang GMA Pictures.Malayo ito sa Maria Clara role niya sa telebisyon.
Hindi naman niya nakompirma ang kissing scenes nila ni Rayver pero mukhang mayroon.
Ang laki na ng ipinagbago ni Julie Anne kompara sa mga ginampanang roles niya noon. Mukhang nahasa na niya ang mga matured role na malayo na yata sa sweet image niya noon.
Sa July 26 na ang showing nito kung hindi ako nagkakamali. Maraming supporters nila ni Rayver ang nag-aabang dito.