COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NA-CORNER ng mga kasamahan sa panulat si Paolo Contis at ang topic na pinag-uusapan ay ang hosting sa new Eat Bulaga. Katakot-takot na bash ang natanggap niya pero deadma lang siya at hindi na niya binibigyan ng panahon iyon.
Okey naman ang relasyon niya sa mga TAPE bosses at binibigyan sila ng freehand kung papaanong ipamimigay ang mga cash prizes at sa mga tinutulungan nila sa kalye sa isang portion ng EB.
Araw-araw ay nagtatrabaho si Paolo at wala namang problema at tamang scheduling ang ginagawa niya. Priority pa rin niya ang Bubble Gang among his everyday schedule. Kaya happy at walang problema ang ginagawa ngayon ni Paolo.