COOL JOE!
ni Joe Barrameda
BONGGA talaga si Ms Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm. Dahil pang-AB crowd ang Beautederm na naging matagumpay at nagpabago ng buhay niya dahil sa kanyang pagsusumikap, nagtatag naman siya ng isang affordable na produkto sa mga middle income at hindi kayang bumili ng Beautederm products.
Ito ay ang BlancPro na kapantay ng Beautederm product pero sa mababang presyo. Rito ay sinuportahan siya ng matagal na niyang kaibigang si Marian Rivera.
Ayon kay Marian, sinubukan muna niya ang mga product ng BlancPro bago niya tinanggap ang pagiging endorser. Sabagay, sabi nga ni Marian, sa bawat endorsement na tinatanggap ay kailangang subukan muna niya para maipagmalaki niya.
Sobra naman ang pagpuri ni Marian kay Ms Rei na isa sa inspirasyon para sa lahat. Lalo sa mga entrepreneur. Iba kasi magpatakbo ng negosyo si Ms Rei at kaya mahal na mahal siya ng mga tao niya at hindi siya iniiwan.