Friday , January 10 2025
Paolo Contis Joross Gamboa Jules Katanyag

Tandem nina Paolo at Joross riot 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

KAKAIBA itong napanood namin na horror movie. Ito ay ang Pangarap Kong Oskars na napanood namin sa premiere night sa SM North,The Block na dinaluhan ng mga cast sa pangunguna nina Paolo Contis, Joross Gamboa, Faye Lorenzo, Kate Alejandrino, at Direk Jules Katanyag. 

Nasabi Kong kakaiba ang horror movie na ito dahil may halong comedy ang pelikula at hindi ka matatakot at puro katatawanan. Kaya aliw ang movie at bagay na bagay ang tandem nina Paolo at Joross. 

Actually nakasentro ang story ng Ang Pangarap Kong Oskars sa kuwento ni Bobby (Paolo) na gustong patunayan na kaya niyang gumawa ng isang movie na makapaglalagay sa Pilipinas sa international movie stage. 

Sa pakikipagtsikahan sa movie press ay hindi maiiwasan tanungin si Pao tungkol sa mga bash na natatanggap niya dahil sa hosting niya sa Eat Bulaga na naiwan ng TVJ. Hindi naman siya apektado lalo na hindi naman niya kakilala ang mga basher at naapektuhan lang siya nang nakita niyang nasasaktan ang kapatid niya. 

Pero sa tagal ay nasanay na ang kapatid at siya pa ang sumasagot sa mga basher.

Magsisimula ang Pangarap Kong Oskars ngayong June 28 sa mga sinehan.

About Joe Barrameda

Check Also

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, …

MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa …