Monday , December 23 2024
LRT 1

Sa panukalang dagdag-pasahe  
LRT PAGANDAHIN, PASILIDAD AYUSIN

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe, bago ipatupad ang dagdag-singil sa pasahe sa light rail transit (LRT) ay mabuting unahin munang ayusin at pagandahin ang serbisyo at mga pasilidad nito.

Ayon kay Poe, ang dagdag na singil na pasahe ay pabigat sa bulsa ng bawat pasahero.

Partikular na tinukoy ni Poe ang mga mag-aaral at mga manggagawang kapos ang pananalapi at umaasa sa mas mababa at murang mass transportation.

Pinayohan ni Poe, bilang private-operated company, inaasahan niyang ang operator ng LRT 1 ay tuloy-tuloy na mag-i-invest para sa mas maayos na train system upang mas kumita ang kanilang ipinuhunan.

Ani Poe, pagdating sa LRT 2, bilyong pisong pondo ang  inilalaan ng pamahalaan kada taon.

               Tiniyak ng Senadora, ngayong darating na talakayan ukol sa panukalang pambansang budget para sa taong 2024 ay titiyakin niyang malaman ng publiko kung paano nila ginagastos ang perang inilaan ng Kongreso nang sa ganoon ay higit na magbenepisyo ang mga pasahero.

“Kung maganda ang serbisyo, darami ang pasahero. Nararapat lang maramdaman ng mga pasahero ang ligtas, komportable, at modernong train system sa bawat byahe,” giit ni Poe. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …