COOL JOE!
ni Joe Barrameda
MASUWERTE si Rob Gomez at kahit hindi siya taga-Sparkle ay nabigyan ng GMA ng teleserye na isa siya sa lead stars. Ito ay ang Magandang Dilag opposite Herlene Budol.
Si Rob ay nasa pangangalaga ni Dondon Monteverde kaya nabibigyan siya ng magagandang projects at shows na produce by Regal Entertaiment. Katunayan, sisimulan na nila ni Jane de Leon ang isang episode ng Shake Rattle and Roll for the upcoming Metro Manila Film Festival na super excited siya.
Aminado si Rob sa una niyang sexy movie with Alexa at hindi niya pinagsisisihan ‘yun at willing siyang gumawa ulit na more sexy or daring. Bale ginawa niya ‘yun bilang stepping stone at nag-click naman. Pero hindi muna sa ngayon.
Gusto rin ni Rob na mapabilang sa Bench Body at Bench Active kaya lalo niyang pagagandahin ang katawan. College graduate na si Rob at for a while nagtrabaho siya sa mga private companies.
Looking forward sa pilot episode ng Magandang Dilag at marami pa silang taping days.