Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Magandang Dilag

Herlene itinanggi cause of delay ng taping

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

RUMAMPA si Herlene Budol sa mediacon ng Magandang Dilag noong Sabado ng tanghali. Sobra ang pasasalamat niya sa GMA at nabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa isang teleserye at mga bigating l artista ang mga kasama niya gaya nina Chanda Romero at Sandy Andolong.

Pinabulaanan niya na siya lagi ang cause of delay ng taping pero aminado siya na hindi niya matanggihan ang mga imbitasyon sa labas na makatutulong sa kanyang mga pangarap na maiahon sa kahirapan ang pamilya na unti-unti namang natutupad. 

Hindi naman siya nagrereklamo sa mga hirap na dinanas niya sa mga taping at talagang kinakabisa niya ang mga linya niya. 

Sa mga pagsagot ni Herlene sa mga katanungang ibinabato sa kanya at isinasagot niya na may sensiridad na ikinaaliw ng lahat na minsan ay hindi niya mapigilang umiyak. Kaya aliw ang mga kasamahan sa panulat sa pagka-jologs na sagot. 

Bale ang Magandang Dilag ang unang lead role ni Herlene sa isang teleserye bagamat napapanood natin siya sa Maagpakailanman, Tadhana, Wish Ko Lang at iba pa.

Ilan sa mga kasama niya sa teleserye bukod sa dalawang veteran actress ay sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Bianca Manalo, Adrian Alandy, Al Tantay, Prince Clemente at iba pa. 

 Sa June 26 ang pilot airing nito sa GMA after Abot Kamay Ang Pangarap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …