Friday , November 15 2024
Skills

Pag-angat sa competitiveness ng mga Filipino isinusulong

MATAPOS lumabas ang isang ulat na nagpapakitang nahuhuli ang Filipinas sa East at Southeast Asia pagdating sa skills, iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan sa mga repormang magsusulong sa competitiveness ng mga Filipino.

Sa 100 bansa, Filipinas ang pang-99 sa 2023 Global Skills Report ng online learning platform na Coursera.

Sinusuri ng naturang pag-aaral ang skills at proficiency ng mga mag-aaral pagdating sa business, technology, at data science.

Dating pang-70 ang ranggo ng Filipinas sa 102 bansang saklaw ng parehong ulat noong 2022.

Lumabas din sa naturang ulat ang patuloy na pagbaba ng proficiency ng mga mag-aaral sa business, technology, at data science. Bumaba sa 16% mula 62% ang business proficiency percentile rank ng bansa. Mula 29% noong nakaraang taon, bumaba sa 5% ang technology proficiency ng bansa at bumaba rin sa 1% mula 21% sa data science proficiency.

Gumamit ang ulat ng skills insights para sa 100 bansa mula sa 124 milyong mag-aaral na gumagamit ng Coursera, 1.8 milyon rito ang mula sa Filipinas. Inilinaw ng ulat na ang datos na nakalap nito ay nagmula sa mga rehistradong gumagamit ng Coursera at hindi representasyon ng populasyon ng isang bansa.

Gayonman, oportunidad ang pagbabahagi ng mga datos at resulta ng pag-aaral upang makakuha ng bagong impormasyong makadaragdag sa mga tradisyonal na pinagmumulan ng datos tungkol sa edukasyon. 

Sa kabila ng ginagawang pagrepaso ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa performance ng sektor ng edukasyon, binigyang diin ni Gatchalian na kailangang iangat ng mga isasagawang reporma ang kakayahan ng mga Filipino pagdating sa mga aspektong saklaw ng ulat ng Coursera, lalo na’t patuloy ang paggamit ng mga kompanya ng mga makabagong teknolohiya.

Habang responsibilidad ng higher education institutions ang paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral para sa trabaho, iginiit ni Gatchalian ang mahalagang papel ng senior high school program upang maging handa sa trabaho ang mga graduates nito.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2022, na inihain ni Gatchalian, isinusulong ang paglikha ng National at Local Batang Magaling Council upang paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), local government units, mga paaralan, at mga katuwang na industriya.

“Sa pagsulong at pagpapatupad natin ng mga reporma sa edukasyon, dapat tiyakin nating hindi mapag-iiwanan ang ating mga kabataang Filipino pagdating sa kahandaan sa trabaho at sa paggamit ng mga bagong teknolohiya. Tungkulin nating siguruhin na akma ang kanilang mga kakayahan sa kinakailangan ng ating mga industriya,” ani Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …