Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michale V Raphael Landicho Voltes V Octo-1

Michael V achievement unlocked pagkakasali sa Voltes V: Legacy

RATED R
ni Rommel Gonzales

KILALA si Michael V.  na isang avid fan ng Voltes V. Sa katunayan ay may koleksiyon siya ng mga laruang Voltes V.

Kaya naman dream come true para sa komedyante ang mapasama sa cast ng Voltes V: Legacy ng GMA kahit bilang boses lamang ng kaibigang robot ni Little Jon [Raphael Landicho] na si Octo-1.

Ipinakilala sa episode ng Voltes V: Legacy  nitong Lunes si Octo-1, na tinawag ni Little Jon na ika-anim na miyembro ng Voltes team.

Sa kanyang IG post, nagpakita ng larawan si Michael V ng eksena ni Jamie Robinson [Ysabel Ortega] at may nakasulat na pangalan niya sa white board bilang si Octo 1.

Achievement unlocked,” simpleng caption niya sa larawan.

May hiwalay na post din si Michael V. na kasama si Raphael at screenshot ni Octo-1.

We’re happy to announce na kami na… ang mag-BESTIE sa #VoltesVLegacy!” saad ng aktor.

Tutok lang sa adventures nina Little Jon at Octo-1 tuwing weeknights! Roger, Roger,” dagdag pa.

Nagkomento naman si Raphael sa naturang post ni Michael V ng, “Hi Bestie.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …