Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mavy Legaspi Cassy Legaspi

Mavy at Cassy ratsada sa mga show ng GMA

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MASUWERTE itong mga bagets ng Sparkles, ang talent arm ng GMA Network. Kung noon ay napapabayaan ang mga baguhan, ngayon ay halos lahat ay nabibigyan ng pagkakataong mapabilang sa iba’t ibang proyekto ng GMA7 para maipakita at mahasa na rin sa pinasukan nilang career. Kaya nasa kanila na ang effort para magtagal sa propesyong pinasukan.

Isa sa napansin ko ay binibigyan din ng pagkakataon na magsama sa isang project ang natsitsismis na magkarelasyon. At Ilan sa napanood namin ay nagpakita ng gilas ang magkarelasyon bilang propesyonal na aktor at walang ilangan.

Gaya nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na magkasama as lead actors sa Wattpad inspired na Luv Is Love At First Read na magsisimula na ngayong araw, June 12, sa spot ng Family Feud na pansamantalang magbabakasyon muna. 

Kaloka naka-23 million views na pala ito sa Wattpad huh.

Masuwerte naman itong mga anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Kabi-kabila ang trabaho. Hindi naman natin masasabi na paborito sila dahil halos nga lahat ng mga young star ay may trabaho.

Si Mavy ay isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga na nilisan ng mga original host  dahil sa problema nila sa kanilang producer. Ayon kay Mavy, full support ang parents niya lalo na ang amang si Zoren. Hindi siya apektado ng mga basher bilang bagong host sa noontime show. Ang mahalaga ay pinaghuhusayan niya ang trabahong ipinagkatiwala sa kanya. 

Bukod kina Mavy at Kyline ay kasama rin sina Therese Malvar, Mariel Pamintuan, Pam Prinster, Bruce Rowland, Josh Ford, Marco Masa at ang twins na sina Gabby and Gil Gueco. Kasama rin ang mga senior star na sina Jackielou Blanco, Jestoni Alarcon, at Maricar de Mesa. Ito ay sa direksiyon nina Mark Sicat Dela Cruz at Carlo Cannu as associate director.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …