Friday , November 15 2024
Pia Cayetano 2023 World No Tobacco Day Award

Wagi sa WHO 2023 World No Tobacco Day Award,
SEN. PIA CAYETANO IPINAGMALAKI NG TAGUIG CITY

BINATI ng City of Taguig si Senator Pia Cayetano sa pagkakapanalo sa World Health Organization (WHO) 2023 World No Tobacco Day Award.

“The City of Taguig is so proud of you, Sen. Pia!” pahayag na pagbati ng local government unit (LGU).

Bilang advocate ng tobacco control, si Senator Pia Cayetano ay patuloy sa pagsusulong ng mga batas, programa, at mga proyektong laban sa paninigarilyo, vapes at heated tobacco products (HTPs).

Noong 2014, sponsor si Senator Pia Cayetano ng Graphic Health Warning Bill na naging batas – ang Republic Act 10643, at ipinaglaban ang Sin Tax Reform Act of 2012 (Republic Act 10351).

Ang pagkilalang iginawad sa kanya na naglalayong kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga individual at organization sa pagkontrol ng tobacco, ay testimonya ng kanyang tunay na pagmamahal sa public health at sa kanyang patuloy na pagsisikhay upang panatilihin ligtas ang mga Filipino laban sa mga mapaminsalang produkto. (JAYSON DREW )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …