Sunday , November 17 2024
BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang tsansa ng Pinoy na umangat ang BiFin swimming at ang impresibong kampanya ng bagong tatag na National BiFin swimming team sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ay patunay na karapat-dapat itong tulungan at suportahan para maisulong matatag na programa higit sa grassroots level.
Sa unang pagkakataon sa regional biennial meet, ang eight-man team na sinuportahan ng Espinelli Trading ay pawang nakapasok sa finals sa kani-kanilang event tampok ang makinang na silver medal na napagwagihan ni Palarong Pambansa swimming champion Alexi Cabayaran sa 200 women bifin breaststroke sa tyempong 1 minuto at 56.49 segundo sa likod ng gold medal winner na Cambodian Muyni Kaing (1:51.69).
“Ang pagpapataas ng kamalayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga regular na aktibidad at mahikayat ang lahat ng swimming club, grupo, at organizer na isama ang bifin sa kanilang mga programa at torneo isang malaking tulong para sa sports. Maganda ang future natin sa bifin and the recent campaign of our team in Cambodia proved that. Kahit maiksi lang ang naging preparation may contribution sila sa delegation,” sabi ng two-time Olympian at kasalukuyang presidente ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) sa isang panayam matapos makipagpulong sa koponan sa Philippine Sports Commission (PSC) kamakailan.
“Itong pagkapanalo ni Alexi (Cabayaran) ng silver medal ay malaking bagay sa sports. Sana, ma-encourage niya ang iba pa na subukan ang bifin swimming. Like classical, maraming medals at stake dito. Isipin natin sa Cambodia 27 yung event, eh kung nakapaghanda na tayo ng matagal mas marami tayong naipadalang athletes, baka mas maraming medalya tayong naiuwi,” sambit ni Buhain.
Ang 15-anyos na si Alexi mula sa Silay City sa Negros Occidental ay isa sa napili mula sa mga lumahok sa isinagawang Visayas tryouts na inorganisa ng COPA nitong Pebrero sa Bacolod City. Sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Fin Swimming Federation, ang COPA ay naatasang magsagawa ng pambansang tryouts, pumili. Magbuo ang magsanay sa koponan para sa SEAG.
“Sinunod ko lang po yung payo ng coach ko sa swimming club namin na mag-try ako sa BiFin. Nasopresa po ako ng mapasama ako sa Team. During training sabi ko sa sarili ko pagbubutihan ko para sa parents ko, maka-bronze lang ako masaya na ako. Kaya nang manalo ako ng silver naiyak po ako sa tuwa, agad ko pong kinausap parents ko sa Messenger. Sabi ko para po sakripisyo ninyo ito,” pahayag ni Cabayaran, panganay sa tatlong magkakapatid mula sa pamilya ng tindero ng isda.
Bukod kay Alexi na angat na sa Grade 11 sa Trinity Christian School, ang iba pang miyembro ng team ay sina Renz Santos, Janine De La Paz, Raymund Paloma, Raina Leyran, Kristoff David, Ishaelle Villa, at Troy Castor.
“Mas gagalingan ko po sa training para sa mga susunod na international tournament makamedalya ako uli. Sa susunod na SEA Games gold medal po ang tatargetin ko,” added Alexi.
Sa ilalim ng Incentive Act Law, si Alexi ay kailangang makatanggap ng P150,000 cas incentives mula sa pamahalaan, ngunit bago pa man mailabas ang cash rewards, uuwi siya na may dagdag na ngiti sa mga labi mula sa ipinagkaloob na cash gift ni Buhain sa kanya, gayundin sa buong koponan kabilang sina coach Ramil Ilustre at Agot Alcantara.
“Konting pabaon lang para pasalubong pag-uwi nila sa Negros,” said Buhain.
Nakakuha rin ng cash reward mula kay Buhain si SEA Games record breaker Xiandi Chua, ang pinakamatagumpay na manlalangoy para sa Team Philippines sa Cambodia, sa napagwagihang isang ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya. Ang 21-anyos la Salle mainstay ay matagal nang miyembro ng COPA at ang kanyang coach na si Pinky Brosas ay kasalukuyang national training director ng COPA.
“Nagpapasalamat po tayo kay POC president Bambol Tolentino sa kanyang suporta na ayusin ang swimming, gayundin sa Fin swimming association for thrusting COPA to handle bifin swimming. Tuloy-tuloy tayo sa ating programa para palakasin at payabungin natin ang sports. Mas maraming makasali sa bifin mas maganda sa sports para mas lumaki ang ating training pool,” sambit ni Buhain.
Sa kasalukuyan, naisama na ng COPA ang BiFin event sa programa ng lahat ng torneo na nasa pangangasiwa ng COPA.

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …