Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matteo Guidicelli GMA

Matteo ratsada agad sa GMA

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SOBRANG excited si Matteo Guidicelli nang ipakilala siya sa ipinatawag na preskon bilang bagong Kapuso. Ito ay Matapos ang ilang buwang negosasyon bago nagkasundo ang GMA Network at ang management arm ng aktor. 

Masaya naman si Matteo sa pagbabalik-Kapuso na dating kasama sa SOP, dating Sunday noontime show ng GMA. Kaya nauna siya sa GMA bago nag-ABS-CBN. Hanggang sa kasalukuyan ay may communication pa sila ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong Dantes na noon ay Executive Producer ng nasabing Sunday noontime show sa GMA.

Hindi kaila sa lahat na napaka-active ni Matteo sa sports at mga active adventure na kung ano-ano. Nag-training pa ito sa Scout Rangers ng Arm Forces of the Philippines at PSG. Kaya handang-handa ito sa lahat ng bagay at take note early riser si Matteo  kaya naman karapat-dapat lang siya sa Unang Hirit, ang unang programa niya sa GMA. 

May mga iba pa siyang programa na gagawin sa GMA gaya ng isang documentary show at teleserye na Black Riders na pagsasamahan nila ni Ruru Madrid

Binibiro nga siya kung susundan siya ng asawa (Sarah Geronimo) sa GMA. Wala naman siyang masabi at abangan na lang daw ang mga susunod na kabanata. Kaya sa ngayon ay sa News and Public Affairs muna siya naka-focus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …