Friday , July 25 2025
Marijuana Bauertek Cong Alvarez

Bauertek laboratory binisita ni Dist. Rep. Alvarez

May 10, 2023 – PERSONAL na binisita ni Honorable Pantaleon D. Alvarez, District Representative ng 1st District ng Davao del Norte  ang laboratoryo ng BAUERTEK Corp., upang makita ang mga kagamitan na gagamitin sa pagpoproseso ng medical cannabis o marijuana, sakali mang maaprubahan na ang pagsasabatas na maging legal ang paggamit ng halamang gamot.

Mismong si Dr. Richard Nixon, Gomez, BAUERTEK General Manager / Scientist Inventor, ang nanguna para ikutin at ipakita kay Cong. Alvarez at maybahay nito ang mga kagamitan sa laboratoryo na handang-handa ng  gagamitin sa paggawa ng medical cannabis kasama ang buong team ni Cong. Alvarez, mga media at ilang staff ng BAUERTEK.

Matapos ikutin ang buong laboratoryo, live na isinagawa ang Media Health Forum sa loob ng studio sa tanggapan mismo ng BAUERTEK Corp. Sa pangunguna pa rin ni Dr. Richard Gomez, kasama ang dalawang batikang broadcaster na sina Edwin Eusebio at Rolly “Lakay” Gonzalo.

Matapos na makita ni  Cong. Alvarez ang buong pasilidad ng laboratoryo, kumbinsido ito na kayang gumawa ng Pilipinas ng Medical cannabis sa pamamagitan ng BAUERTEK Corp. na kagaya ng ilang mauunlad na bansa na legal ng ginagamit ang marijuana para gawing medical cannabis.

Sa ginanap na live press conference na kung saan siya ay special guest, sinabi ni Rep. Alvarez na “Para maaprobahan ang pagsasabatas medical cannabis, kinakailangang suportahan ito ng mga mambabatas, senador, at mga nasa gobyerno kasama na ang mga advocates na walang tigil na isinusulong ang pagsasabatas ng halamang gamot na marijuana para gawing health medicine.”

Kuwento pa ni Rep. Alvarez na sa Bansang Thailand, simula ng gawing legal ang Marijuana, tumaas na ang turismo. Dahil yung mga karatig bansa nila na hindi pa legal ang paggamit ng medical cannabis ay nahuhuli na, kagaya ng Pilipinas. Yung may mga pera ay doon na pumupunta sa Thailand, dahil ito ay mas madaling puntahan at malapit kumpara sa Canada at America.

Matatandaang si Cong. Pantaleon D. Alvarez ang Author ng House Bill (HB) nO. 6783 (Decriminalization of Marijuana) which aims to amend Republic Act (RA) No. 9165 or to Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. kung kaya naman 100% ang suporta ni Rep. Alvarez sa ginagawang pagsusulong ni Dr. Gomez kasama ang ilan pang mga experto at mga nasa gobyerno, upang tuluyan ng maisabatas ang pagsasa legal ng medical cannabis.

(Raffy Rico)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nelson Santos Rebecca Madeja-Velásquez PAPI

Nelson S. Santos Itinalagang Chairman at Director for Media Affairs ng PAPI

MAYNILA — Ipinagmamalaki ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang opisyal na pagtatalaga …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

13 bayan, lungsod sa Bulacan lubog sa tubig baha, Tulay sa San Miguel-DRT bumigay

MARAMING lugar sa Bulacan ang nananatiling lubog sa tubig-baha hanggang nitong Martes, 22 Hulyo, habang …

Couple Arrest Hand Cuffed Posas

Mag-dyowang tulak tiklo sa ‘obats’

ARESTADO ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buybust operation …

BingoPlus Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

LIFE is expensive, but joy doesn’t have to be. In this time of soaring prices, …

072225 Hataw Frontpage

Misis ni Speaker Martin Romualdez
4th TERM NI YEDDA SA KAMARA ISANG MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team MAGKAKAROON ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestiyonin sa …