Friday , November 15 2024
Philippine Ports Authority PPA

PPA Budget Utilization lumobo ng 83% nitong 2022

NAKAPAGTALA ang Philippine Ports Authority (PPA) ng 83% budget utilization rate (BUR) noong 2022, ang pinakamataas sa mga nakaraang taon.

Sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemyang dulot ng COVID-19, nakapagtuon na makapagbigay ng moderno, nagpapanatili ng matatag na impraestruktura at pasilidad ng daungan sa buong bansa.

Nagpapakita ang 83% rate na nagawa ng PPA na i-maximize at ipatupad ang responsableng paggamit ng corporate budget na may malaking pagtaas sa rate kung ikokompara mula sa 71% noong 2021 at 62% noong 2020.

“Binabati ko ang lahat sa patuloy na pagsusumikap at sa pananatiling tapat sa aming pananaw sa pagbibigay ng mga proyektong may kalidad sa mga nakaraang taon. Para sa 2023, nilalayon naming malampasan ang aming 83% hanggang 90%. Nais naming ipakita sa publiko na kami ay seryoso sa pagkuha ng trabaho at wala pong budget na nasasayang sa PPA, lahat po ay ibinabalik natin sa taongbayan sa mga porma ng mga serbisyo at mga proyektong pang-impraestruktura,” pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago.

Mula noong 2016, nagtala ang PPA ng pagtaas na kalakaran sa capital expenditures kabilang ang programang pangkaunlaran at proyektong nagbibigay ng kita na nagpatuloy kahit sa kasagsagan ng pandemya. May kabuuang 62% budget utilization rate ang naitala noong 2020 at 71% noong 2021.

Sa mga tuntunin ng lokal na pinondohang mga proyekto, noong nakaraang taon (2022)  nagtala ang PPA ng kabuuang 97% utilization rate na inilaan sa 62 proyekto kabilang ang pagtatayo ng port operational area, pagtatayo ng gusali ng terminal ng pasahero, pag-install ng mga LED lights, dredging ng mga pasukan at channels, at pagsasaayos ng mga gusali ng daungan at iba pa.

“Pursuant to the Build Better More directive of the current administration, in PPA we make sure to cut the logistics cost by ensuring that our operations are more efficient. Towards this end, digitalization plays a huge role in providing quality and real-time services the public,” wika ni Santiago.

Samantala, nakatakdang matapos ang mga bagong seaport project sa unang taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kabilang ang 17 proyekto sa Luzon, 4 proyekto sa Visayas, at 9 sa Mindanao. Anim (6) na proyekto ang natapos na noong unang bahagi ng taong ito habang 13 na proyekto ang nagpapatuloy at higit pang mga proyektong pang-imprastraktura ang nakatakdang ilunsad ngayong 2023. Kabilang sa mga proyektong ito ang pagtatayo ng Passenger Terminal Building, Port Operations Building, Transit shed at Port Operations Area, extension ng RC Pier, pagtatayo ng mga Back-Up area at RoRo ramp, at rehabilitasyon ng nasirang pantalan at iba pa.

“Ginagawa lang po natin ang ating trabaho na ibalik sa tao ang nararapat na serbisyo na kanilang dapat natatanggap, hindi po puwede sa atin na mayroong mga hindi mapakinabangan na pantalan o mayroong hindi nagagamit na budget para i-improve pa ang mga programa ng PPA. We were given a task and that is to facilitate the operations and make sure that the public can feel these developments, kaya kung makikita n’yo po kahit saang pantalan kayo magpunta, maayos at wala pong aberya sa biyahe,” dagdag ni Santiago.

Noong 2015, nagtala ang PPA ng kabuuang 52% rate ng paggamit ng badyet, sa pag-takeover ni Santiago, nag-ulat ang ahensiya ng higit o mas kaunting 12% na pagtaas bawat taon, ang taong 2022 ang pinakamataas na may 83% rate ng paggamit ng badyet.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …