Monday , December 23 2024
Richard Nixon Gomez Medical Cannabis Marijuana BAUERTEK

Dr. Gomez: Medical Cannabis malapit ng maisabatas

BAGAMAT araw ng pagawa ngayong araw May 1, 2023 at walang pasok ang mga nag-oopisina sa gobyerno  at pribadong sector, tuloy pa rin ang nakagawian ng BAUERTEK Media Health Forum na ginanaganap tuwing lunes sa isang restaurant sa lungsod Quezon.

Ito ay pinangungunahan pa rin ni Dr. Richard Nixon Gomez bilang General Manager ng BAUERTEK, na ang adbokasiya ay maisabatas at maging legal ang paggamit ng halamang gamot na marijuana o cannabis sa bansa. Ito ay ipoproseso sa isang laboratoryo para gawing Medical Cannabis na kung saan ang laboratoryo ay nakatayo na at handang handa na, hinihintay na lamang na maisabatas ito at maging legal.

Ayon kay Dr. Gomez, ang medical cannabis ay matagal nang ginagamit bilang gamot sa mahabang panahon at milyon-milyong pasyente na ang gumagamit worldwide. “Bakit sa Pilipinas, ayaw pang ipagamit ang medical cannabis, samantalang maari nitong matulungan ang isang milyong Pilipinong may sakit?”

Dagdag pa ni Dr Gomez, “Ang medical cannabis ay malapit ng maisa-batas, dahil na rin umano sa dami na ng sumusuportang politiko, government official, at kilalang mga personalidad, dahil din umano sa alam na ng nakakarami sa ngayon, na meron na tayong laboratoryo na kung saan ipoproseso ang Marijuana para gawing Medical cannabis.”

Matatandaang, lumabas sa ilang pahayagan taong 2019 na mismong si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay umaming gumamit ng medical cannabis, na isa umano sa nagbenepisyo nito. Nilalagyan umano ng pain patch na medicinal marijuana ang cervical spine na sumasakit kay Gng. Arroyo.

Subalit paglilinaw nito, na sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan pinapayagan ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi rito sa Pilipinas dahil wala pang batas na sumusuporta rito. Naniniwala ang dating SGMA, na bukod sa kanya, ay marami pang may sakit ang matutulungan at mapapagaling ng medical cannabis. Kung kaya isa rin umano siya sa may-akda ng panukalang inihain sa Kamara na gawing legal ang medical cannabis sa bansa sa kanyang kapanahunan.

Naging panauhin sa ginanap na forum sina: Dr. MacGerald  Cueto, Associate Professor, UERM,  Memorial Center Inc., Doc-Atty. Leo Olarte, Former President Philippine Medical Association, Dr. Gem Mutia, Founder , Philippine Society of Cannabinoid Medicine.

Ipinaliwanag ni Dr. MacGerald  Cueto ang tungkol sa Acupuncture bilang bihasang acupuncturist lalo na pagdating sa pain management. Ang Acupuncture ay ang pagtusok ng mga maninipis na karayom sa iba’t ibang bahagi ng katawan na base sa pag-aaral ng siyensiya. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong laban sa chronic pain, headaches, migraine at iba pa. Nalulunasan din ang ang problema ng mga kalalakihan  pagdating sa erectal dysfunction, ayon pa kay Dr. Cueto.

Sinabi naman ni Dr. Gem Mutia na dapat suportahan ng gobyerno ang pagsasabatas ng paggamit ng Medical cannabis, ang halamang gamot na marijuana. Huwag maging negatibo ang pananaw lalo na pagdating sa marijuana dahil ito umano ang magpapagaling sa milyong Pilipinong may sakit. Magbibigay din ito ng dagdag kita sa kaban ng bayan. Suportado naman ni Doc. Atty Olarte, ang pagsasabatas ng medical cannabis sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …