Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Puganteng manyakis, apat na wanted at dalawang tulak timbog

Nagbunga ang pagsisikap ng kapulisan sa Bulacan na maaresto ang isang most wanted person sa isinagawang manhunt operation sa Baliuag City kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni PLt.Colonel Julius Alvaro, hepe ng Baliuag City Police Station (CPS), kay Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang nadakip ay si Lester Santos, 28, na residente ng Brgy. Sabang, Baliuag City.

Ang akusado na kabilang sa Most Wanted Person sa Baliuag City ay naaresto ng mga tauhan ng Baliuag CPS dakong alas-11:46 ng umaga sa Brgy. Pagala, sa naturang lungsod.

Ang pag-aresto kay Santos ay isinagawa sa pamamagitan ng ipinatupad na warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 85, Malolos City, Bulacan kaugnay sa kasong Attempted Rape na kinakaharap nito sa hukuman.

Kasunod nito ay apat pang pugante ang arestado sa iba’t-ibang manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng 2nd PMFC, San Jose Del Monte, at Marilao CPS.

Inaresto sila sa mga krimeng Cyberlibel, Acts of Lasciviousness, at Special Protection of Children against Child Abuse (RA 7610).
Dalawa namang tulak ng iligal na droga ang arestado sa buy-bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pandi MPS.

Nasamsam sa mga suspek ang kabuuang pitong pakete ng tuyong dahon ng marijuana, drug paraphernalia, at buy bust money.
Lahat ng nahuling suspek at akusado ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa angkop na disposisyon.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …