Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Tanfelix Voltes V

Miguel Tanfelix pinangarap makasama sa Voltes V

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BONGGA ang premiere night/mediacon ng blockbuster serye na Voltes V: Legacy ng GMA na ginanap noong April 18, sa Cinema 3 ng SM North EDSA The Block. Strictly by invitation ang event na dinaluhan ng maraming Sparklers Artist at ng napakaraming fans sa lobby ng sinehan.

Matapos mapanood ng lahat ang first two weeks ng serve na magsisimulang umere sa May 8 ay puro positive feedback ang naririnig namin at kahit sila ay very proud sa proyekto na nagawa ng mga Pinoy at puwede nang makipagsabayan sa international scene. 

Maski mga executives ng Toei Company, Ltd at Telesuccess Productions Inc na siyang may-ari ng original Voltes V na dumalo rin sa premiere ay nagalak sa ipinamalas ng mga artista na kasama sa cast.

Napakasuwerte nina Miguel Tanfelix as Steve Armstrong at Ysabel Ortega as Jamie Robinson na mga bida sa Voltes V. Pinangarap pala ni Miguel ang role na ito na nagkatotoo nang sabihan na siya ang napili. 

Super lambing naman ang dalawa during the mediacon at hindi maitatago ang relasyon nila. Lalo na katabi nila si Raphael Landicho, ang bagets na nagpatotoo ng tunay nilang relasyon.  

Napakasuwerteng child star naman itong si Raphael na hinintay ng production na ma-lift ang pandemic restriction para makasama sa Voltes V. Deserving naman si Raphael at magaling na aktor. 

 Kasama rin sa cast sina Dennis Trillo at Carla Abellana na kung titingnan natin ay mga support sa mga batang artista at okay lang sa kanila basta parte sila ng bonggang serye. Bale si Dennis ang ama nina Miguel at si Carla ang asawa sa planet earth at si Max Collins ay isang alien na unang asawa. 

Ayon kay Direk Mark Reyes ay dapat mapanood ng netizens ang Voltes V sa mga sinehan dahil mas bongga nga naman sa malaking screen although sa TV nga naman ay marami pang magagandang scene na hindi kasama sa big screen. Kaya noong April 19 nagsimulang ipalabas sa mga sinehan habang sa May 8 magsisimulang umere sa GMA after 24 Oras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …