NABALITAAN namin na ang dating head ng Star Cinema na si Ms Malou Santos ay nasa GMA Films na ngayon bilang consultant.
Bale kasama ito ng upcoming production ng movie na pagtatambalan nina Alden Richards at Julia Montes. Ito ‘yung Five Romance and a Break Up na collaboration ng GMA Pictures, Cornestone, at Myriad01 ni Alden.
Talagang wala nang network war at puwede nang lumabas sa kahit anong network ang mga artista.
***
CONGRATULATIONS nga pala sa Maria Clara at Ibarra na nakakuha ng Bronze sa recent New York Festivals TV and Films Awards sa Entertainment Drama.