Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa Most Outstanding Swimmer (MOS) Award nang makakolekta ng tig-tatlong gintong medalya sa pagsasara kahapon ng Congress of Philippine Aquatics Inc., COPA-Golden Goggle Leg 1 at 2 sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Center (RMSC) sa Malate, Maynila.

Nanguna ang Grade 1 student ng Agustin Ramos Memorial Elementary School ng Balayan sa 8 years old class na 50m backstroke sa loob ng 51.03 segundo at ang 100m breaststroke (2:01.11) bilang follow-up sa kanyang tagumpay sa 200m freestyle (3:36.78) noong Sabado sa event na pinalakas ng Speedo at suportado ng Philippine Sports Commission at Milo.

Ang iba pang triple-gold winners ay sina Marcus Pablo, John Rey Lee, Samantha Mia Mendoza, at Jamie Aica Summer Sy. Lahat sila ay kalipikado para sa Luzon Championship sa Agosto na ang mga nangungunang manlalangoy ay makasasagupa ang pinakamahuhusay na manlalangoy mula sa Visayas at Mindanao regional championship ng torneo na inorganisa ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. sa pamumuno ni swimming icon Batangas 1st District Rep. Eric Buhain . (HTV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …