COOL JOE!
ni Joe Barrameda
ISANG thanksgiving merienda ang idinaos ng Saranggola Films para sa mga miyembro ng Philippine Movie Press Club bilang pasasalamat sa award na nakamtan ng movie outfit mula sa PMPC Star Awards for Movieskamakailan.
Dumalo si John Arcilla sa nasabing okasyon bilang siya ang nagbida at nagwaging Best Actor sa pelikulang Suarez: The Healing Priest. Hindi raw puwede siyang hindi dumalo at mas pinahahalagahan niya ang award na galing sa mga movie press na pinahahalagahan ang mga artistang katulad niya.
Naroon din ang anak ng producer ng Saranggola Films na si Christi Fider na nanalo naman sa PMPC Star Awards for Music for Best New Female Recording Artist para sa kanyang Teka Teka na isinulat ni Joven Tan.
Dapat nag-quit na siya sa showbiz dahil sa sakit niyang Adenomyosis. Ito ay hormonal imbalance na nakuha niya sa pagpapayat. Pero kinuha raw siya muli ng dating grupo niya sa Adobers Studio ng ABS CBN at ‘yun nga nanalo pa sa Star Awards for Music. Kaya ‘yun ang pinagbasehan niya para manatili munang active sa showbiz.