Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Xian Lim

Ashley guwapong-guwapo kay Xian

RATED R
ni Rommel Gonzales

FIRST time magkapareha sa isang TV project, ang Hearts On Ice ng GMA, sina Ashley Ortega at Xian Lim kaya kinumusta namin ang aktres kung kumusta ang aktor bilang leading man.

Actually noong nalaman kong si Xian Lim ‘yung  partner ko medyo nag-fangirl ako.

“Hindi ko na lang ipinahalata,” sabay-harap ni Ashley kay Xian na katabi rin niya sa mediacon.

“Kasi hindi pa ako artista noon napapanood ko na siya. Oo! Tapos nalaman ko siya ‘yung leading man ko, kinilig din ako.

“And then I got to meet him in person, he’s very approachable.

“Tapos ang guwapo niya, ang guwapo-guwapo ni Xian kapag kaeksena ko siya.

“Very charming, and he’s super-friendly, actually we created a bond, iba kasi ‘yung environment ng sa set tapos it’s a different environment also kapag nagte-training kami sa skating rink ‘coz it feels like work.

“So it’s more of we became really friends off-cam na hindi ‘yung showbiz-showbiz lang because iba ‘yung environment namin sa skating, nagiging friends niya rin ‘yung ibang mga figure skater so, talagang outside world of showbiz.

And ayan very open, humihingi rin ako ng mga life advise sa kanya kasi alam niyo naman magaling ‘yan eh, may podcast ‘yan about life, ‘di ba? 

“At saka ‘yung nga POV [point of view] of a guy, so ang dami naming mga tsika,  talagang ang saya niya katrabaho.

“And I really, eto wala itong eme, I really hope na makatrabaho ko ulit siya.”  

Ilan sa mga kasama nina Ashley at Xian sa Hearts On Ice ay sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Skye Chua, Kim Perez, Ruiz Gomez, Rita Avila, Ina Feleo, at marami pang iba.

Ang Hearts On Ice ay idinidirehe ni Dominic Zapata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …