Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang showbiz.

Sa media conference ng contract signing ng bagong aabangang show sa ALLTV, ang  Negosyo Goals na mapapanood simula sa Linggo, March 19, 11:30 a.m., handog ng Makers Mind Media Production, sinabi ni Mr Freeze na ayaw na muna ni Derek sa showbiz.

“Si Derek kasi, actually siya ngayon ayaw na niya ng showbiz. Parang na-ano siya eh, parang nag-enjoy siya ng ganyan, napagod na raw siya kaya mas gusto niya muna sa family niya,” sabi ng kaibigang matalik ni Derek.

Kaya ang tinatanggap muna ngayon ni Derek mga endorsement,” dagdag pa ng tinaguriang Mr Freeze.

“So mas gusto niyang maging family man siya. Siguro rin kasi contented na siya. Kaya nagkakasundo rin kami kasi nga sinasabi niya na ‘pareho tayo kuntento na.’ 

“Ang sa akin kasi nag-e-expand pa kami, si Derek talagang nag-lie-low siya siguro kasi natagpuan na talaga niya ang true love kay Ellen (Adarna, asawa ni Derek). Madalas yata naliligo sila eh,” biro ni Mr. Freeze. “Vibes sila talag eh, magkasundong-magkasundo,” pahabol pa ng host ng bagong entrepreneurial show sa AllTV.

Samantala, noong Martes pormal na sinalubong ng AllTV ang dagdag na panoorin sa kanilang network na akma para sa new generation ng Filipino entrepreneurs. Malaking tulong ang programa ni Mr Gerry lalo sa mga nagnanais magsimula ng kanilang mga negosyo.

Ibabahagi rin ni Mr. Freeze ang ilang sikreto niya kung paano tumagal din ang kanilang negosyo ng 40 taon. Sila ang nagmamay-ari at nagnenegosyo ng mga purified tube ice.

“It is an honor for us to be part of ALLTV which shares the same vision of empowering aspiring Filipino entrepreneurs,” dagdag ni Mr. Freeze.

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina Ivy Ataya, CEO ng Makers Mind Production at Joyce Selga, producer na isinagawa sa Coffee Project sa Worldwide Corporate Center Building.

Malaki naman ang paniniwala ni ALLTV President Maribeth Tolentino sa bagong partnership nila sa Makers Mind Production. 

Inilunsad ng ALLTV ang kanilang mga programa noong Marso kasama na ang well loved Asian hit series na Hot Mom na nagsimulang mapanood noong Marso 6. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …