Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali Mikee Quintos Paul Salas

Bianca at Ruru may tensiyon sa bagong serye

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BONGGA ang mediacon ng The Write One nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Idinaos ito sa legendary Admiral Hotel noong kabataan ko pa hanggang ngayon ay old rich ang madalas nitong mga kliyente. Mukhang renovated ang lugar dahil there was a time na pansamantala itong isinara.

Masaya at maayos na nairaos ang presscon na sa unang pagkakataon ay nag-collaborate ang GMA7 at Viu para iproduce ang nasabing serye na magsisimulang umere sa VIU sa March 18 at March 20 naman sa GMA.

First time magtambal ang real life sweethearts na sina Ruru at Bianca sa isang teleserye at nangyari nga ang pinangangambahan ko na may mga insidenteng sa taping na nag-aaway ang dalawa. 

Nawala naman ang pangamba ng direktor na baka makaapekto sa trabaho nila.

Mabuti na lang daw na nagawa ng dalawa ng tama ang kani-kanilang eksena at walang nangyaring aberya. 

Kasama rin sa teleserye ang real life sweethearts na sina Mikee Quitos at Paul Salas. Wala naman kaming narinig na negative sa dalawa.

Kasama rin ang ex couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Sila ang gaganap na mga magulang ni Ruru. This reminds me noong nanliligaw pa si Ruru kay Janine Gutierrez. Magkatambal sina Ruru at Janine noon sa teleseryeng Sherlock.

Alam ko hindi boto si Lotlot noon kay Ruru at masyado raw bata si Ruru for Janine. Mas boto siya kay Rayver Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …