Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anjo hindi dadalo sa kasal nina Jomari at Abby

MAG-USAP muna kami.” Ito ang isinagot ni Anjo Yllana nang matanong namin ito kung dadalo ba siya sa kasal ng kapatid na si Jomari kay Abby Viduya.

Pero bago ito, inurirat muna namin ang aktor nang makausap sa media conference ng bagong show nila nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Yayo Aguila, ang Team A: Happy Fam, Happy Life sa TV 5 kung bakit hindi siya kasama sa ginawang pamamanhikan ni Jomari sa pamilya ni Abby. 

Anito, hindi pa rin sila okey ng nakababatang kapatid dahil sa hindi nila naging pagkakaunawaan noon na may kinalaman sa eleksiyon noong Mayo 2022.

At dahil hindi pa sila okey, hindi rin siya dadalo sa kasal ng kapatid. 

“Hindi, eh. Mag-usap muna kami. Pangit namang makipagplastikan ako sa kasal. Patch up muna namin kung anuman ang hidwaan,” katwiran ng aktor. 

Sa kabilang banda, natanong din ang komedyante ukol sa nangyayaring gulo ngayon sa Eat Bulaga. Anito nalulungkot siya at nanghihinayang kung totoong aalisin sa show ang TAPE, Inc. exec na si Tony Tuviera at main hosts na sina Tito, Vic, at Joey.

Ani Anjo, “Possible na mag-break sila because, ‘yun nga ang sinasabi ko sa mga hindi nakaaalam. Boss namin sa ‘Eat Bulaga’ is Chairman Jalosjos. And ang proof, para malaman na siya talaga ang boss, alam mo ‘yung ano namin dati, coffeetable book? Ang first page, si Sir Romy. Ibig sabihin, acknowledged, kinikilala talaga ng ‘Eat Bulaga,’ siya talaga ‘yung boss. ‘Pag sinabing boss, ba’t sinabing boss si Mr. Jalosjos? 

“When ‘Eat Bulaga’ started, he financed the show. Siya ang may-ari. Kaya siya ‘yung boss. At ikinukuwento ko rin, fortunate sa ‘Eat Bulaga’ dahil ako, from my experience, si Mr. Jalosjos, hindi nakikialam sa production. Ibinibigay niya kay Mr. Tuviera, sa TVJ… kaya ‘yung success ng ‘Eat Bulaga,’ eh, kay Mr. T at saka sa TVJ. 

“Pero ‘yung simula ng ‘Bulaga,’ eh, credit doon sa nag-finance. Kaya pareho naman sila lahat credited diyan, eh. ‘Yun lang nga, eh, para sa akin, ha, ‘pag sinabi ni Boss, ‘o mga anak ko na magte-take over, ha?’, eh, wala tayong magagawa. Prerogative niya ‘yon, eh. Dream niya siguro ‘yon na balang araw… pero dapat, pasalamat din kami lahat dahil 43 years kaming hinayaan.”

Wish lang ni Anjo na maayos ang anumang hindi pagkakaunawaan ngayon sa EB.

“Sana maayos n’yo pa po. Eh, ‘pag hindi, good luck na lang po both parties. Sana ano na lang natin, i-cherish na lang natin ‘yung 44 years na magkakasama, ‘yung success po ng ‘Eat Bulaga.’”

At nang matanong si Anjo kung sakaling alukin siya ng bagong management at ng grupo ng TVJ para sumama sa kanila, ano ang pipiliin niya?

“Tutal suntok sa buwan lang naman ‘yung tanong, ang sagot ko na lang: First-come, first-served,” natatawang tugon nito. (MVN)

—30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …