Monday , December 23 2024
Taguig

Koleksiyon ng “BOSS” sa Taguig abot sa P4.38 B 

KUMOLEKTA ang Taguig City ng aabot sa P4.38 bilyon sa kanilang Business One Stop Shop (BOSS) ngayong taon, mas malaki ito ng P1.17 bilyon sa kaparehong panahon noong 2022.

Nagresulta ng pagtaas ng koleksiyon sa pagsunod sa kautusan ni Mayor Lani “Ate” Cayetano sa paglalatag ng bagong sistema na makatutulong sa mga  business owners na makapag-apply ng permits at makabayad nang mas mabilis at hassle free taxes.

Pinagsama ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) at ng City Treasurer’s Office ang pagbabayad ng barangay fees kaya hindi na kailangang  kumuha ng hiwalay na mga barangay  clearance.

Sinabi ni BPLO head, Atty. Tes Veloso, ang bagong  protocol sa pag-aasikaso ng mga aplikasyon ng mga taxpayer ay nagresula sa mas kakaunting  requirements, at mabilis na pagpoproseso ng mga  permit.

Sa ilalim ng programa ng Taguig BOSS 2023, ang mga may-ari ng mga negosyo ay puwedeng magproseso ng  permit  sa SM Aura Satellite Office o sa kabubukas na Convention Center sa New City Hall Building, at maaaring i-print online.

Sa bagong sistema, napapahintulutang makita ng aplikante ang kanilang billing statements sa online.

Nagpasalamat si Mayor Lani sa mga  business owners “for doing business in Taguig and paying their taxes.”

Tiniyak ni Mayor Ate Lani, ang ibinabayad na mga buwis ay bumabalik sa mga tao sa porma ng serbisyo at benepisyo para sa Taguigeños.  (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …