Saturday , January 11 2025
Darryl Yap Martyr Or Murderer Maid In Malacanang

MIM malampasan kaya ng MoM?

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ISANG malaking preskon ang naganap noong Lunes ng gabi, February 20 sa Las Casas Filipinas sa Quezon City. Ito ay ang Martyr Or Murderer bilang karugtong ng isang matagumpay na Maid In Malacanang, the highest grossing movie ng taong 2022. Kaya tingnan natin kung mapapantayan o mahigitan pa ng Martyr Or Murderer na ngayon pa lang ay inaabangan ng marami dahil sa bonggang trailer na naipalabas na sa mga social media na sakop ang buong mundo. Alam naman natin na hindi lang dito sa Pilipinas inaabangan ‘yan. 

Sa nasabing preskon ay halos si Direk Darryl Yap ang laging tinatanong ng mga kasamahan sa panulat at mga vlogger. Siya lang kasi ang puwedeng makasagot sa bawat katanungan ng mga press people. Kahit si Sen Imee Marcos ay napapatunganga na lang sa mga explosive answers ni Direk Darryl. 

Noong una ay napakabait sumagot ni Direk Darryl pero nitong huling preskon ay maangas at matapang na sumasagot sa mga matatalim na ibinabato sa kanya at sa pelikula sa mga katunggaling pelikula na makasasabay ng Martyr Or Murderer

Talagang pinagsalitaan na niya ng matatapang na kasagutan sa mga pinagsasabi ni Direk Joel Lamangan. Ang ikinairita ko sa sinabi ni Direk Joel base sa inilabas na video ay ang pera raw na ginamit sa pelikula ay mula sa nakaw sa kaban ng bayan or to that effect eh Viva ang isa sa nag-finance ng movie na well respected movie company. 

Ano kaya ang nasasaloob ni Boss Vic del Rosario nang mapanood niya ito? Si Sen. Imee ay deadma naman diyan na sanay na sila sa mga ganyang akusasyon for so many years being accused pero wala namang napatunayan.  

Kaya nasisiguro ko after last night ay ito ang malaking isyu na pag-uusapan sa mundo ng showbiz. Sa akin naman panay ang sabi nila na puro kasinungalingan ang movie noon pang Maid In Malacanang eh alam ba nila ang mga pangyayari sa loob ng palasyo at that time?

Natural ‘yung nagkukuwento ang may alam at sila lang ang nasa loob ng palasyo. Hindi pa yata kayo nakapasok sa loob ng palasyo ng Malacanang. Kaya ‘wag kayo mag-aakusa na inirevised ang kasaysayan. Walang narevise at family drama ang Maid In Malacanang. Kaya tingnan natin kung ano ang nilalaman ng Martyr Or Murderer. 

Dito malalaman natin kung ano ang totoo at hindi dahil ang ilan yata dito ay mga pangyayari sa labas na ng palasyo. 

 Kababasa ko lang ng libro ni Sec GeorgeSchultz at doon ko nalaman na ang US Government ang may malaking partisipasyon sa pag-alis sa mga Marcos sa Malacanang noong panahon ni Pres Reagan na malapit na kaibigan ni Pres Marcos at that time. 

Pero nanaig ang desisyon ng National Security Advisers niya na time na to remove Pres Marcos from the Palace kaya nangyari ang pag-alis nila sa palasyo.

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Santos

Gerald ‘maghuhubad’ ng katauhan sa Courage concert

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO magtapos ang 2023 ay nakahabol pa kami ng tsikahan with …

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …