Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose

Julie Anne nagpugay sa mga sumuporta at nagmahal sa kanya bilang Maria Clara

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBABU na si Julie Anne San Jose bilang si Maria Clara matapos masawi ang kanyang karakter sa madamdaming episode ng Maria Clara at Ibarra noong Biyernes.

Hiling ng aktres, kapulutan ng aral ang kanilang proyekto para sa mga susunod na henerasyon.

Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra ???? Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara,” pasasalamat ni Julie sa kaniyang Instagram.

Pinasalamatan ni Julie Anne ang direktor na si Zig Dulay sa paggabay sa kanya sa bawat eksena, pati na rin sa kanyang co-stars, mga manunulat at buong produksiyon na naging mga kaibigan at pamilya niya.

Pinasalamatan din niya ang viewers na walang sawang sumusubay, sumusuporta, at nagpapaabot ng pagmamahal gabi-gabi.

Mas minahal ko ang aking larangan bilang artista sapagkat kami ay naging instrumento upang maipakita namin ang makulay at maalab nating kasaysayan,” sabi ni Julie.

Para sa akin, isang obrang maituturing ang aming palabas. Ito ay siguradong kapupulutang aral, na maipamamana sa mga susunod pang henerasyon. Matapos man ang palabas na ito, ang kultura at kasaysayan natin ay habang buhay na nakatatak sa ating mga puso’t isipan,” dagdag pa niya.

Ito ang nagpapaalala sa ating mga karapatan bilang tao, at sa ngalan pag-ibig – sa sarili, sa kapwa, at maging sa bayan – tayo ay lumalaban at patuloy na lalaban,” anang Asia’s Limitless Star.

Hanggang sa muli, ito po ang inyong Maria Clara delos Santos Y Alba, isang maalab na pagpupugay sa kasaysayan ng Pilipinas, salud! ??”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …