COOL JOE!
ni Joe Barrameda
ISANG bago at original na movie ang ipalalabas sa Vivamax. Ito ay ang Lagaslas na pagbibidahan nina Manang Medina at VR or Victor Ronald.
Mula sa theatre si Manang habang si VR ay isang modelo at nag-audition for his role sa Lagaslas. At first sabi sa kanya ay hindi siya nagwagi. Pero noong malapit nang mag-shoot ay doon lang siya nasabihan kaya kapos na siya sa preparation.
Bale sa set na sila nagkaroon ng quick workshop at nagkakilala ni Manang. Nag-usap agad sila para mawala ang hiya.
Ayon kay VR okay na agad sila at parang normal na sa kanya ang nakahubad sa harap ng mga production crew habang kinukunan ang mga maseselang parte ng pelikula.
Sabi nga ng director na si Chris Novalos, ibinigay ng dalawa ang best nila sa pag-atake ng kani-kanilang role.
Ang Lagaslas ay mapanood sa Vivamax simula Feb. 17.