COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HINDI pa man nagtatagal ang pasinaya at grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City na dinaluhan ng mga Grand Ambassador nila sa pangunguna ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay isa na namang Beautederm Store ang binuksan sa Clark City Front Mall noong Huwebes, Feb 9 sa pangunguna ng presidente nitong si Ms Rhea Anicoche Tan kasama ang Beautederm Ambassador na si Piolo Pascual. Naroon din ang mga local ambassador ng Beautederm at ilang mga staff.
Kaya naman natutuwa si Ms Rhea sa sunod-sunod na nadadagdagan ang Beautederm store na isang malaking tagumpay ang kanyang pinaghirapan. Alam kasi ng nasa Itaas kung gaanong kabait ang may-ari ng Beautederm na maraming natutulungan at hindi siya puwedeng tumigil habang binibiyayaan ng maraming grasya. Kaya tama ‘yung paniniwalako na habang tumutulong ang isang tao ay sunod-sunod ang dating ng grasya at tagumpay sa kanyang pangarap.
Congratulations.