COOL JOE!
ni Joe Barrameda
MATAPOS ang limang taon, kasama na ang dalawang taong pandemic, muling dumalaw dito sa Pilipinas ang Japanese actor, producer at director na si Jacky Woo.
During the past years ay maraming ipinrodyus na movie si Jacky dito sa Pilipinas bukod sa mga guesting sa ilang pelikula at telebisyon. Nanabik siya at miss na miss ang Pilipinas. Kaya nagdesisyon siyang dumalaw muli sa Pilipinas.
Sa pagbabalik niya rito ay plano niyang magpa-audition ng mga young talent na gustong mag-artista na puwede rin niyang dalhin sa Japan at sa iba pang bansa na plano niyang gumawa ng pelikula. Kaya mag-aanunsyo ang mga staff niya once ready na silang magpa-audition.