IGINAWAD sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang International Organization for Standardization Certification o ISO 9001:2015 Certification. Ang ISO Certification ay nangangahulugan na ang Quality Management System (QMS) ng naturang ahensiya ay nakapasa sa standards of quality na kinikilala at inirerespeto sa buong mundo.
Ang prestihiyosong ISO Certification ay natanggap ng MTRCB mula sa TÜV SÜD PSB Philippines, Inc., isa sa accredited international third party certification body dito sa bansa.
Ang ISO ay kinikilala sa buong mundo bilang isang Quality Management Standard na binuo ng International Organization for Standardization. Ito ay batay sa quality management principles kabilang ang customer-first orientation, motivation, execution driven by senior management at process-based approach.
Para kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonizo, buo ang kanyang pagkilala at pagpupugay sa lahat ng mga opisyal at kawani para sa tagumpay na natanggap ng ahensiya.
“I am proud to be working alongside the men and women of the MTRCB who tirelessly strive to uplift the Agency’s quality of service parallel to international standards. I attribute this success to our QMS Core team, our employees, and the members of the Board who have worked as one to make this aspiration a reality,” pagbabahagi ni Chairperson Lala.
Natanggap ng MTRCB ang certification matapos sumailalim sa serye ng mahigpit na audit activity na isinagawa ng TÜV SÜD PSB Philippines, Inc. sa kabila ng hamon ng transitory leadership noong 2022.
“This certification is a testament to our commitment to bring delight to our stakeholders by continuously meeting and exceeding their expectations, as well as ensuring compliance with regulatory requirements,” dagdag pa ni Chairperson Lala.
Malaking salik din sa tagumpay ng MTRCB sa pagtanggap ng ISO certification ay ang ibinigay na technical assistance ng Development Academy of the Philippines (DAP) sa pamamagitan ng kanilang Government Quality Management Program (GQMP). Isa ang MTRCB sa naging beneficiary ng naturang programang ito.