COOL JOE!
ni Joe Barrameda
PUSPUSAN ang taping ng Mga Lihim Ni Urduja na siyang papalit sa Maria Clara at Ibarra.
Sa trailer pa lang ay marami na ang nae-excite sa upcoming megaserye ng GMA sa taong 2023. Punompuno ng action ang teleseryeng ito na pinaghandaan ng mga aktor.
Ilang linggo silang nagsanay sa mga routine para mapaghandaan ang bawat action scene.
Masuwerte si Kylie Padilla na may amang King of action sa larangan ng pelikula na gagabayan siya. Kaya halos araw-araw din ang training ng alaga naming si Jeric Gonzales na gustong maging matagumpay sa action.
Sa Feb 20 na ang pilot episode ng Mga Lihim Ni Urduja. Wish sana ni Kylie na mag-guest ang ama sa Mga Lihim Ni Urduja.