RATED R
ni Rommel Gonzales
USAP-USAPAN at umani ng papuri mula sa netizens ang unang pasilip sa mythical mega serye ng GMA Network, ang Mga Lihim ni Urduja.
Inilabas nitong January 31 ang teaser sa social media accounts ng GMA Drama. Kitang-kita ang ganda ng visuals, kakaibang kuwento, at star-studded cast na pinangungunahan ng Encantadia Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Iikot ang istorya nito sa paghahanap nina Crystal (Gabbi) at Gem (Kylie) sa mga nawawalang hiyas na pinaniniwalaang pag-aari ni Hara Urduja (Sanya).
May libo-libong views na ang nasabing teaser in less than 24 hours. Marami rin ang nagsabi na mala-foreign series ang quality nito. Say ng ilang netizens, “Lakas maka-Alice in Borderland! Gandaaa astig talaga ng GMA! Naglevel-up na talaga ang GMA! Iba talaga sobrang napakalayo na ng mga nagagawa nila.”
Bukod sa reunion nina Kylie, Gabbi, at Sanya, dapat ding tutukan sa serye ang pagsasama-sama nina Arra San Agustin, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Jeric Gonzales, Rochelle Pangilinan, at Zoren Legaspi.