RATED R
ni Rommel Gonzales
PARATING na ang bagong seryeng magpapaiyak sa mga Kapuso tuwing hapon, ang AraBella.
Iikot ang kuwento nito sa paghahanap ni Roselle (Camille Prats) sa kanyang nawawalang anak. Matapos ang ilang taon, makikilala niya si Ara (Shayne Sava) at magiging malapit ang loob nila sa isa’t isa. Unfortunately, hindi pa rin pala si Ara ang nawawala niyang anak.
Mas lalo pang magiging complicated ang kanilang sitwasyon dahil sa pagbabalik ng tunay na anak na si Bella (Althea Ablan). Sino ang mas deserving sa pagmamahal ni Roselle—ang anak na salbahe o ang ampon na mabait?
Abangan ang world premiere ng Arabella this February 27 sa GMA Afternoon Prime.